Sunday, July 10, 2011

Mga Tamad sa Pinas

Although 61.2 million of the Philippines’ 95 million people are aged 15 and over, the statistics agency said just 39.3 million could be considered part of the labour force, with many others not even looking for work-

"with many others not even looking for work!"- sarap talaga maging tambay

Wednesday, June 8, 2011

Ang tunay na lalake ay...

1. unang-una  walang trabaho.
2. mayabang kahit na walang pera.
3. napapako ang pangako.
4. pinangangahalagahan ang porma higit sa pag-aaral at hanap-buhay.
5. di alam ang ibig sabihin ng "crush" ngunit bukang bibig ay chiks at malagkit ang tingin sa mga seksing dumadaan.
6. walang paligoy-ligoy at derechong sinasabi sa babae ang nilalaman ng utak niya kahit di niya ito gaano kilala.
7. di makikipag-date kung masyadong magastos at makakaabala sa inuman.
8. di papayag na mahuling bitbit ang bag ng gf lalo na kung ito'y pink o kaya'y maraming makasabit na borloloy.

Tuesday, June 7, 2011

Mga kasabihang tamad

1. Kakambal ng tamad ang matigas ang ulo.(courtesy of mamser)
2. Mas mainam nang tamad di naman pagod.
3. Aanhin ang damo kung patay na ang kabayo.
4. Ang batang nagaaral ay nagbabasa.
5. Ang taong matiyaga ay huli sa pila.
6. Ang taong matiyaga ay nagtitiis.
7. Mas mainam mag-utos kesa gumawa.
8. Mas masarap magtrabaho kung walang ginagawa.
9. Ang taong madugas ay maparaan.
10. Daig ng madugas ang masipag.
11. Bakit ka magsisipag kung pwede naman mandaya.


Saturday, June 4, 2011

Di dapat tularan

At least ang mga Pinoy di gano obvious kung pumetiks.


Nagdadasal lang o pasimpleng tulog?

Mga Klase ng Tamad

Batugan- tamad sa bahay

Petiks- tamad sa trabaho

Tambay- tamad mag-aral at maghanap-buhay pero mahilig makipagkwentuhan tungkol sa mga walang kwentang bagay habang naglalasing.

Pihikan- tamad kumain

Inutil- tamad sa kama (courtesy of Mamser!)

*(special mention)Emo at metro- tamad maging tunay na lalake. Ang halimbawa nito ay ang mga mahilig makinig sa mga kanta ni David Pomeranz o Jonalyn Viray (emo) at lady gaga o beiber(metro).

Wednesday, June 1, 2011

Sunday, May 29, 2011

Sino Si Juan Tamad?

Sino nga ba si Juan Tamad?

Si Juan Tamad ba ay sang kapatid, si kuya na nag graduate sa collegio ngunit makalipas ng 2 taon e tambay parin sa bahay? Si tatay, na nakaupo sa bangko ng tindahan ni Mang Pedro maghapon, nakikipagkwentuhan sa mga kapwa walang trabaho, tungkol sa pagkawalan ng trabaho habang nagiinuman? Sang anak o asawa ng OFW na sa likod ng abilidad maghanap-buhay ay nakasandal lamang sa padala galing abroad?

Wednesday, May 25, 2011

iStambay sa Kanto

Naghihintay ng tropa sa Kanto.

Tinamad sa mall

Buti pa sa mall may aircon!

Inuman at Sugalan

 Krisis sa pera kaya magsusugal muna at baka swertehin.

Introduction

Kung petiks ka sa trabaho, laging tulog sa klase o kung ikaw ang tipong gusto lang humilata at manuod ng TV at higit sa lahat mahilig mag gud time kahit walang pera. Ikaw ay tunay na Pinoy at Idol mo si Juan Tamad!